Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Sheridan Voysey

Matalinong Pagpapayo

Noong 2019, nasunog ang Notre-Dame Cathedral sa Paris. Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa ito sa kahoy. Hindi agad naapula ang apoy kaya umabot ang sunog sa tore ng katedral. Dito natuon ang pansin ng lahat, dahil kung masusunog ang tore, tuluyan ng masisira ang katedral.

Pinalayo muna ni Heneral Gallet, pinuno ng mga bumbero, ang kanyang mga tauhan…

Tunay Na Kasiyahan

Naging sikat na pinuno noon si Abd Al-Rahman III ng Cordoba sa bansang Espanya. Matapos siyang mamuno nang may katagumpayan sa loob ng 50 taon, nagbulay-bulay siya sa kanyang mga nagawa sa buhay. Ang kayamanan raw, karangalan, kapangyarihan at kaaliwan ay madaling mapasakanya. Pero kung bibilangin niya raw ang mga araw na naging tunay siyang masaya ay mga 14 na…

Epekto Nang Pagsisimula

May mga taong mahilig magsabi na babaguhin nila ang mga gusto nilang gawin bago magsimula ang bagong buwan o bagong taon. Isa na dito si Bryony na gustong lumipat ng ibang trabaho dahil hindi na siya masaya sa kanyang ginagawa. Gusto na niyang magsimula ulit ng bagong trabaho na gusto niya talagang gawin. Para naman kay David, na bago magbagong…

Anak Ng Kapaskuhan

Pag-isipan mo ito: Iyong nagpatubo ng puno mula sa buto, nagsimula ng buhay bilang isang embryo; Iyong lumikha ng mga bituin, nagpasakop sa isang sinapupunan; Iyong pumupuno sa langit, naging tuldok lang sa ultrasound. Si Jesus na likas na Dios, ibinaba ang sarili (Filipos 2:6-7). Kahanga-hanga!

Pag-isipan mo ang eksena noong pinanganak Siya sa isang payak na bayan, kasama ng…

Ako Ang Mga Kamay Niya

Nawalan ng paningin si Jia Haixia noong taong 2000. Nawalan naman ng mga braso ang kaibigan niyang si Jia Wenqi noong bata pa ito. Pero natutunan nilang lampasan ang kanilang mga kapansanan. “Ako ang mga kamay niya, at siya ang aking mga mata,” sabi ni Haixia. Magkasama nilang binabago ang bayan nila sa Tsina.

Mula noong 2002, nagmimisyon ang magkaibigan…